![]() |
| Turn-over of 20 drums from Batch '86 to alma mater |
Nagbigay po ang ating batch ng 20 plastic drums sa ating alma mater, Ramon Magsaysay (Cubao) High School noong ika-24 ng Pebrero, 2012, 11 ng umaga. Ang mga drums ay gagawing basurahan at parte ng Clean and Green Drive Project ng Monsay.
Matatandaan noong Ika-8 ng Pebrero 2012, nagpadala ng sulat ang ating paaralan sa ating batch sa pamamagitan ni Bb. Benilda Valenzuela, Administrator 4 ng Monsay. Humihingi siya ng tulong para sa nasabing proyekto na magsusulong ng kalinisan, kaayusan at kagandahan sa kapaligiran ng RMCHS campus. Ito ay agad namang tinalakay sa pagpupulong ng mga opisyal ng ating batch at napagkasunduang tugunan ito.
![]() |
| Batchmate Robert Fadallan labelling the drums, go Pareng Robert! |
Matapos na mailathala sa Facebook account ng ating batch ang kahilingan ng ating paaralan, ito ay agad na umani ng suporta sa mga batchmates. Ang mga sumusunod ay ang mga nag-donate o nagbigay ng plastic drum bilang suporta sa proyektong ito.
1) Doris Alaras Adecer: 1
2) Rodrigo Santiago: 1
3) Angelica Bartolome: 5
4) Aurea Holgado Bautista: 2
5) Angeline dela Cruz: 2
6) "Victory": 3
7) Lydia Paa: 2
8) Annabel Ines: 1
9) Mae Bautista Ferro: 1
10) Egay Sablay: 1
11) Rommel Yadao: 1
TOTAL: 20
2) Rodrigo Santiago: 1
3) Angelica Bartolome: 5
4) Aurea Holgado Bautista: 2
5) Angeline dela Cruz: 2
6) "Victory": 3
7) Lydia Paa: 2
8) Annabel Ines: 1
9) Mae Bautista Ferro: 1
10) Egay Sablay: 1
11) Rommel Yadao: 1
TOTAL: 20
![]() |
| Rommel, Red with Monsai's incumbent Property Officer |
Ang 20 plastic drum ay pormal na ibinigay ng inyong lingkod kay Dra. Josefina Perlado, Principal ng Monsay na sinaksihan naman ni Bb. Benilda Valenzuela, Admin 4 at ng ilang mga department heads. Sa ating panig ito ay sinaksihan naman ni Redelsa Fullero Sanchez, Vice President 2, Haydie Dumag Treasurer at ni Robert Fadallan, Business Manager ng ating batch. Ang Principal na si Dra. Perlado kasama ng mga department heads ay labis na natutuwa sa mabilis nating pagtugon sa kanilang kahilingan tanda ng ating pagmamahal, suporta at pagpapahalaga sa ating paaralan. Ang pagbibigay na ito ng ating batch ay ikatlo sa marami pang tulong na ibibigay natin sa Monsay at sa mga mag-aaral nito.
Maraming salamat po nawa’y patuloy nating suportahan ang mga proyekto ng ating batch. Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal.
Rommel de Gracia Yadao
RMCHS Batch '86 President



No comments:
Post a Comment